Prinsesa ng Banyera

Prinsesa ng Banyera
Jologs and Proud (hindi pa pantay ang kulay!)

Sunday, June 22, 2008

Black Out


Its a mellow day today.
After the storm Frank urged officials to suspend classes on June23-24, I sit here in front of my office computer pondering about my life and my choices.
OO, MAY PASOK KAMI SA KOREAN ACADEMY.
Kaya andito ako nagpapaka-jologs at nagmumuni.
I remember the movie I watched with LD and his family at Gateway. Kungfu Panda. Sabi dun ni Uguay "There are no accidents."
So ibig sabihin nun ay lahat ng bagay nangyayari ay dapat lang mangyari. Hindi yun pagkakamali kundi naisulat na sa history ng bukas.
Ang naalala ko ay ang kapatid kong si Marj.
Kumusta na kaya siya? May future pa kaya na nagaantay sa kanya?
Sabi sa akin ng tatay ko kumustahin ko daw si Marj. Kung alam lang nya. Lagi ko kinukumusta si Marj at hinihikayat sumama sa akin pero ag sagot nya "Pinili ko eto. Panindigan ko."
Hindi na lang ako nagreply pa sa tatay ko pag nagtetext sya. Masasaktan lang sya at para ,atanggap na din nya na nagasawa na si Marj at 16. Wala kami magagawa.
Kadalasan tinatanong ko sarili ko "Anong ginawa ko para mangyari yun?"
Pero habang iniisip ko natututunan kong tanggapin na tao si Marj at may sariling desisyon. Mali man sa tingin ko ang pili nya hindiko pa din sya mababago.
Masakit makita ang kapatid ko na dumadaan sa maling kalye. Isang kalye na kundi dead end ay bangin ang dulo. Tinawag ko ang pangalan nya, umiyak, nagdasal, tinawag ang pangalan nya, umiyak at nagdasal muli pauliulit pero wala pa din.
Oo, tinigil ko na ang pagiyak. Tumayo na ko sa pagkakahandusay at muli ng naglakad.
Pero ang mga tenga ko ay alerto na gaya ng tenga ng isang inahing agila. Isang sigaw lang ng inakay na pinilit lumipad ay darating ako masagip lamang ang batang pinilit ikampay ang pakpak na hindi pa marunong lumipad.

0 Comments:

Post a Comment



Newer Post Older Post Home

Is there hope for the Philippines?