Sulat ni Inay...
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ngkalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sahapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isangmatanda. Nagse-self-pity ako sa tuwing sisigawan mo ako.Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang angsinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak.Matanda na talaga ako.Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulitulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako.Huwag mo sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan.Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi monakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madalingmagkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaanmo noong bata ka pa? Pinatyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama kapagayaw mong maligo.Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, dala na marahil itong katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit sandalilang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kongbusy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik naakong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mgakwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kongpakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyongteddy bear.At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at maratay sa banigng karamdaman, huwga mo sana akong pagsawaan alagaan.Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan,pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.Tutal hindi na naman ako magtatagal.Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang akingkamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...


